Pagsusuri sa Pelikulang Rome and Juliet
Monday, October 20, 2008
Rome and Juliet, sa mga hindi nakakaalam nito ay marahil ay sasabihin na may typo error na nangyari. Hindi po, hindi po nito itinutukoy ang Romeo and Juliet na isinulat ni William Shakespeare. Ito po ay isang Pelikulang Pilipinong nagsasalaysay sa pag-uulayaw ng dalawang babaeng nag-iibigan at paglaya ng sari-sariling kasarian. Sa titulo nito, naipakita na kaagad ang pagbaklas sa heterosekswal na 'taken for granted reality' nito nagpapatungkol sa bawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang na heterosekswal. Kaya naman sa pelikulang ito, angkop na tawagin itong Rome and Juliet upang magpatungkol sa bawal na pag-iibigan ngunit ang pinagkaiba nga lamang nila kay Romeo at Juliet ay mas malalaking institusyon ng lipunan ang kalaban nina Rome at Juliet ( ang pamilya, ekonomiya, relihiyon, at marami pang iba) kaysa kina Romeo at Juliet na tila pang-personal na isyu lamang ang kanilang tinatalakay.
Please read the rest of the article here.
Read more...